ODIONGAN, Romblon — Nagsagawa ang Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA ng capacity-building training para sa mga information officer mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at LGU sa Romblon noong Hunyo 4.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga communicator sa radio broadcasting, crisis communication, at mobile journalism upang mapabuti ang paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Tinalakay sa aktibidad ang epektibong komunikasyon sa radyo, tamang pamamahala ng impormasyon sa panahon ng krisis, at paggamit ng mobile devices sa paggawa ng digital content.

Binigyang-diin ng PIA MIMAROPA ang mahalagang papel ng mga information officer bilang tulay ng pamahalaan at mamamayan sa pagtiyak ng tama at mabilis na impormasyon, lalo na sa paglaban sa maling impormasyon.

Nagsilbi rin ang pagsasanay bilang pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng mga public information officers sa lalawigan.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *