CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Nakatanggap ang 391 na magsasaka ng palay sa bayan ng Pola ng certified inbred rice seeds bilang suporta ng pamahalaan para sa wet season planting.

Isinagawa ang distribusyon noong Mayo 19 sa Brgy. Maluanluan sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute at Department of Agriculture (DA) MIMAROPA.

Ayon sa DA, layunin ng programa na mapataas ang produksyon ng palay at matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa ilalim ng food security agenda ng administrasyon.

Nagpasalamat naman si Mayor Jennifer Mindanao Cruz sa ipinamahaging 1,061 sako ng inbred rice seeds na binubuo ng RC 402, RC 160, at RC 218 varieties para sa mga lokal na magsasaka.

Samantala, sinabi ni Municipal Rice Program Coordinator Darios M. Dimawala na sasaklawin ng seed assistance ang humigit-kumulang 507 ektarya ng palayan sa bayan. Inaasahan din ang karagdagang distribusyon ng conventional at hybrid rice seeds sa mga susunod na araw.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *