CALAMBA CITY, Laguna — Pinalawak ng Philippine Health Insurance Corporation ang implementasyon ng YAKAP at GAMOT programs sa buong CALABARZON upang mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng rehiyon.

Ayon sa PhilHealth Region IV-A, umabot na sa P592 milyon ang nailabas para sa YAKAP claims habang P9.4 milyon naman ang inilaan para sa mga gamot na naipamahagi sa ilalim ng GAMOT program.

Sa kasalukuyan, may 289 accredited YAKAP clinics na sa rehiyon na nagbibigay ng libreng konsultasyon, laboratory services, at iba pang serbisyong medikal. Pinalawak din ang saklaw ng mga gamot mula 21 hanggang 75 uri ng maintenance medicines na maaaring makuha ng mga miyembro.

Nagpasalamat naman ang isang benepisyaryo mula Calamba dahil malaking tulong umano ang programa sa kanyang pagpapakonsulta at pagbili ng maintenance medicines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *