Nananawagan ang ilang grupo sa Bicol sa Commission on Human Rights (CHR) Region V na agarang tugunan ang mga reklamo ng umano’y red-tagging, kasunod ng dayalogo noong Abril 28.

Ayon sa mga kalahok, may umiiral umanong pattern ng pananakot na nakaapekto sa kanilang kaligtasan, kabuhayan, at mental health. Ibinahagi ni Ramon Rescovilla ng Bicol Condor Piston ang paulit-ulit na pagbisita umano sa kanilang tahanan ng mga hinihinalang may kaugnayan sa militar, na aniya’y nararanasan din ng iba.

Binigyang-diin din ng mga guro ang epekto nito sa kanilang kalusugang pangkaisipan, kabilang ang anxiety at takot sa araw-araw.

Samantala, sinabi ng CHR Bicol na patuloy silang nagbibigay ng legal na tulong at isusumite ang mga reklamo sa mas mataas na tanggapan.

Umaasa ang mga grupo sa agarang aksyon at konkretong resulta mula sa ahensya.

Source: BICOLDOTPH

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *