CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Binuksan na ang KADIWA Store ng Catmon Farmers Multi-Purpose Cooperative sa Barangay Sumagui, Bansud matapos tumanggap ng ₱2.5 milyong grant mula sa Department of Agriculture (DA) MIMAROPA.
Layunin ng proyekto na magbigay ng mas murang bilihin at direktang pamilihan para sa mga magsasaka at mangingisda. Bahagi ng pondo ang pagbili ng hauling truck na magsisilbing transport at mobile store upang maihatid ang produkto sa iba’t ibang barangay, kabilang ang mga liblib na komunidad.
Inaasahan ding maisama sa mga produktong ibebenta ang ₱20 kada kilo na bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas” program.
Sa kasalukuyan, walong KADIWA sites na ang umiiral sa Oriental Mindoro, at nakatakda pang madagdagan ngayong taon upang higit na mapalawak ang access sa abot-kayang pagkain at masuportahan ang lokal na produksyon.
Source: PIA MIMAROPA