MANILA, Philippines — Magkakaroon ng pansamantalang water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal, at Cavite ngayong linggo dahil sa maintenance works at mataas na demand sa tubig, ayon sa Manila Water at Maynilad.
Apektado ang ilang barangay sa Makati, Taguig, at iba pang lungsod sa Metro Manila, gayundin sa Taytay, Cainta, Antipolo, at Rodriguez sa Rizal, kung saan isasagawa ang line maintenance, leak detection, at meter replacement.
Samantala, tuloy-tuloy ding makakaranas ng water interruptions ang ilang lugar sa Maynila, Caloocan, Valenzuela, at Imus, Cavite dahil sa leak exploration at network maintenance activities, pati na rin sa mataas na konsumo ng tubig.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig at planuhin ang paggamit nito habang isinasagawa ang mga nasabing gawain.
Source: The Manila Times