BIÑAN CITY, Laguna — Patuloy na pinapabilis ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa CALABARZON ang pagproseso ng mga dokumento ng tricycle operators at drivers upang agad na maipamahagi ang cash relief assistance sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Ayon sa DSWD, nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan upang mapabilis ang beripikasyon ng mga benepisyaryo at target na makumpleto ang pamamahagi ng tulong bago matapos ang tag-init.

Sa 22 lungsod na sakop ng programa, 13 pa lamang ang nakapagsumite ng kumpletong requirements. Tiniyak naman ng ahensya na isasama sa susunod na batch ang mga driver mula sa ibang lugar na hindi pa nakapagsumite.

Tinatayang 72,800 tricycle drivers ang makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ngayong buwan.

Pinayuhan din ang mga hindi pa kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na tanggapan ng social welfare para sa iba pang programang maaaring matulungan sila.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *