Pinangunahan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbisita sa Camarines Sur Food Complex sa Pili, Camarines Sur ngayong Marso 23 upang ipakita ang mga pangunahing proyektong pang-agrikultura para sa mga magsasaka sa Bicol Region. Tampok dito ang fruit and vegetable processing facility at ang Bicol Mega Cold Storage Facility na layong mapanatili ang kalidad ng ani at mapataas ang kita ng mga lokal na magsasaka.

Sa naturang pagbisita, personal na natikman ng Pangulo ang mga locally produced na inumin gaya ng coco cola at coco mangosteen drinks, na nagpapakita ng potensyal ng mga produktong gawa sa lokal na sangkap na maipantay sa world-class delicacies. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makadaupang-palad ang mga magsasaka, pakinggan ang kanilang mga hinaing, at tugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa mga programang inilaan ng pamahalaan, kasama si Francisco Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture.

Ipinahayag ng mga magsasaka at residente ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng pamahalaan. Tinatayang makikinabang ang mahigit 204,000 magsasaka sa buong rehiyon mula sa mga pasilidad na ito, na inaasahang magpapalakas sa produksyon, magpapababa ng post-harvest losses, at magpapataas ng kabuhayan sa sektor ng agrikultura.

Source: PIA BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *