Pinangunahan ng Department of Education – CALABARZON ang pagbubukas ng Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2026 sa lungsod ng Batangas ngayong araw.
Nasa mahigit 20,000 atleta mula sa 25 Division Offices sa buong CALABARZON ang inaasahang makikibahagi sa naturang palaro.

Iba’t ibang larong pampalakasan ang nakahanay upang magtagisan ang mga batang atleta, kabilang ang basketball, volleyball, taekwondo, pencak silat, boxing, chess, swimming, tennis, table tennis, at marami pang iba. Ang kompetisyon ay gaganapin mula ika-8 ng Marso hanggang ika-14 ng Marso 2026.
Ang RAAM 2026 ay naglalayong palakasin ang talento at sportsmanship ng kabataang Pilipino sa rehiyon, habang itinataguyod ang pagkakaisa at malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng palakasan.
Source: PIA Batangas