FERROL, Romblon (Pebrero 15, 2026) – Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA ng payout ng Emergency Cash Transfer (ECT) para sa mga magsasaka at mangingisda na matinding naapektuhan sa bayan ng Ferrol.

Kabuuang 668 severely affected beneficiaries ang nabigyan ng agarang tulong pinansyal mula sa mga barangay ng Agnocnoc, Bunsoran, CM Recto, Hinag-oman, Poblacion, at Tubigon. Ang nasabing ayuda ay bahagi ng ECT program ng DSWD na naglalayong tugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng sakuna.

Ayon sa DSWD MIMAROPA, layunin ng Emergency Cash Transfer na mabigyan ng sapat na suporta ang mga benepisyaryo upang matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan at makapagsimulang muli sa kanilang kabuhayan bilang magsasaka at mangingisda.

Isinagawa ang pamamahagi alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mabilis, maayos, at may malasakit ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad. Ginabayan din ito ng pamumuno ni Rex Gatchalian upang masiguro ang maayos at organisadong implementasyon ng programa.

Patuloy ang DSWD MIMAROPA sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Ferrol upang masiguro ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga residente at suportahan ang kanilang pagbangon tungo sa mas matatag na kabuhayan.

Source: DSWD MIMAROPA Region

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *