Personal na bumisita si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Barangay Udalo upang inspeksyunin ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Udalo Bridge na inaasahang matatapos sa katapusan ng Hunyo 2026, ayon sa itinakdang timeline ng Legacy Construction.

Layunin ng pagbisita na tiyakin ang maayos at napapanahong implementasyon ng proyekto, na matagal nang hinihintay ng mga residente ng lugar. Ang tulay ay inaasahang magbibigay ng mas ligtas at mas mabilis na pagbiyahe, lalo na sa panahon ng tag-ulan kung kailan nagiging mapanganib ang pagtawid sa Ilog Udalo.

Ayon kay Sec. Dizon, prayoridad ng pamahalaan ang agarang pagkumpleto ng tulay upang matugunan ang matagal nang suliranin ng komunidad sa pagtawid sa ilog. Aniya, mahalaga ang proyektong ito hindi lamang para sa kaligtasan ng mga mamamayan kundi para na rin sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at serbisyong panlipunan sa Abra de Ilog.

Sa oras na matapos, inaasahang magdudulot ang Udalo Bridge ng mas maayos na konektibidad at mas pinabuting access sa mga pangunahing serbisyo para sa mga residente ng Barangay Udalo at karatig na mga lugar.

Source: PIA Occidental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *