CALAUAN, Laguna – Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng PESO Laguna ang kahalagahan ng kalusugan sa pagtataguyod ng produktibong workforce.

Ayon kay Mary Jane Corcuera, Pinuno ng PESO Laguna, ang mga hakbang ni Gobernador Sol Aragones sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan ay nakakatulong mabawasan ang gastusin ng pamilya sa ospital, na nagbubukas ng pagkakataon para sa edukasyon, pagsasanay sa kakayahan, at trabaho.

“Kapag malusog ang ating mga kababayan, nababawasan ang gastusin sa kalusugan at mas marami silang maiaambag sa pag-unlad ng sarili at edukasyon. Mula rito, sumusunod ang trabaho,” ani Corcuera sa TESDA Laguna Provincial Job Fair noong Enero 30.

Patuloy din na isinusulong ng PESO Laguna ang mga programang pangkabataan tulad ng SPES at GIP, pati na rin ang career coaching, employment counseling, at job matching upang matiyak na ang mga aplikante ay nakakatanggap ng trabaho ayon sa kanilang kakayahan.

Source: PIA LAGUNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *