Ang Sarung Banggi Festival ay ipinagdiriwang sa bayan ng Sto. Domingo, Albay. Nagsisimula ang makukulay at nag-aalab na kasiyahan tuwing ika-2 linggo ng Mayo bilang paggunita sa kapanganakan ng kompositor ng walang kamatayang awit ng pag-ibig na Sarung Banggi na si Potenciano V. Gregorio.
Nagsimula ang nasabing pagdiriwang noong taong 2002 matapos lagdaan ni Mayor Herbie B. Aguas ang Executive Proclamation No. 1 S.2002 noong Enero 8, 2002.
Ang Sarung Banggi Festival ay kilala sa taunang Parade of the Dancing Lights kung saan ang bawat barangay ay nagpapakita ng kahanga-hangang interpretasyon ng kanta ng Sarung Banggi.
Ipinaparada ng mga kalahok ang kanilang mga nakakasilaw na kultural na pagtatanghal na naglalarawan noong panahon ng Espanyol tulad ng mga kasuotan sa kabayanan pagkatapos ng takipsilim.
Libu-libong turista ang bumibisita sa Sto. Domingo para saksihan ang pagdiriwang na ito. Layunin ng Sarung Banggi Festival na mapanatili ang kultura at sining ng bayan ng Sto.Domingo, Albay.
