Ang Sinuyog Festival ay isa sa pagdiriwang sa Albay na ginaganap sa Pio Duran, Albay tuwing ikalawang linggo ng Marso.

Ang salitang Sinuyog ay nagmula sa salitang bicol na Sira (Isda) at (Niyog) na pangunahing produkto at pinagmumulan ng kita at pangkabuhayan ng Pio Duranon.

Ang Festival ay ipinagdiriwang ng higit sa isang linggo para parangalan ang kanilang patron ng Bayan na si Nuestra Senora de Salvacion.

Tampok sa pagdiriwang na ito ang Street Dance Competition, Float Parade, Color Run at marami pang iba.

Ito rin ay dinarayo ng mga kalapit na bayan pati narin ng mga turista upang saksihsan ang pagdiriwang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *