Isang makabuluhang hakbang para sa edukasyon ang ginawa ng Quezon Provincial Library nang tanggapin ang donasyong aklat mula sa SM City Lucena nitong Oktubre 27, 2025.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng SM Supermalls, napili ang Quezon Provincial Library upang makatanggap ng donasyon, na hindi lamang nagtataguyod ng dekalidad na edukasyon kundi nagpapalakas rin ng pagkakapantay-pantay at pagtutulungan sa komunidad.

Sa pamamagitan ng SM Book Nook, layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman at pagkatuto ng bawat Pilipino.
Ang bawat aklat ay susi sa karunungan at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.
Source: Provincial Government of Quezon
