Ang Tabak Festival ay isang pagdiriwang na nagpapakita ng mga gawang produkto ng mga Tabaqueño, galing ito sa salitang “tabak ko! na ang ibig sabihin ay aking espada at kilala ang Tabaco City sa pagkakaroon ng mga “panday”.
Nagsimula ito noong 2002 sa bisa ng Republic Act 9020 matapos itong maaprubahan ng kongreso, ang Tabak Festival ay taunang ipinagdiriwang sa lahat ng Tabaknon sa Lungsod ng Tabaco, Lalawigan ng Albay. Ang Tabak Festival ay nagkakaroon ng mga pagtatanghal tulad ng street dancing, Mutya ng Tabak at Tabakla Pageants, pagtatanghal ng kultura ng iba’t ibang sektor ng lipunan, mga karera sa Padyak at Sibidan, Trade Fair at exhibit ng mga Tabak at iba pang produkto ng syudad. Ang pagdiriwang ay tumatagal ng dalawang linggong kasiyahan ng mga Tabaqueño at umaakit ito ng maraming turista.