Isinagawa ng Municipal Health Office ng El Nido ang Indoor Residual Spraying (IRS) sa Bagong Bayan National High School noong Setyembre 5, 2025 bilang bahagi ng hakbang para mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral at guro mula sa mga sakit na dala ng lamok tulad ng dengue, malaria, at chikungunya.
Sa kabuuan, 16 silid-aralanang isinailalim sa spraying upang mapuksa ang mga lamok sa loob ng paaralan. Ang IRS ay isang epektibong pamamaraan kung saan pinapahiran ng insecticide ang mga dingding at sulok ng mga silid upang mapatay ang mga lamok na dumadapo sa mga ito.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan. Sa tulong ng lokal na pamahalaan, mga guro, at mga health workers, masisiguro ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pagkatuto.
Lubos ang pasasalamat ng Bagong Bayan National High School sa Municipal Health Office sa kanilang dedikasyon at suporta sa kalusugan ng komunidad.
Source: Municipal Health Office – El Nido Palawan