Sa mas pinaigting na implementasyon ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program,” matagumpay na naipamahagi ang bigas sa mga opisyal at functionaries ng 48 barangays ng lungsod ng Tanauan, Batangas noong ika-18 ng Agosto taong kasalukuyan.

Pinangunahan nina Mayor Sonny Collantes, Vice Mayor Dodong Ablao, at ng Tanauan Local Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Iea Lira ang naturang aktibidad, kung saan muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na walang maiiwang Tanaueño sa laban kontra kagutuman.

Mula sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, hanggang sa mga Barangay Health Workers, Nutrition Scholars, at iba pang functionaries, bawat isa ay kinilala at pinasalamatan para sa kanilang tuloy-tuloy na serbisyo sa komunidad.

Ang programang ito ay alinsunod sa Executive Order No. 44 ni Pangulong Bongbong Marcos na layuning wakasan ang kagutuman sa bansa pagsapit ng 2027.

Ito ay simbolo ng malasakit at pagkakaisa na sa Tanauan, ang bawat lingkod-bayan ay mahalaga, at ang bawat Tanaueño ay may karapatang mabuhay nang may dignidad.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *