Hindi naging hadlang ang masamang panahong dulot ng Tropical Depression Crising upang maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region ang tulong-pinansyal sa kanilang mga partner-beneficiaries sa ilalim ng Project LAWA at BINHI kahapon, Hulyo 17, 2025.
Mainit na tinanggap ng 688 partner-beneficiaries ang tig-Php7,900 na may kabuuang halagang Php5,435,200 sa Balud Municipal Covered Court, Balud, Masbate.

Bahagi ito ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga lalawigang madalas tamaan ng bagyo katulad ng Masbate, isang isla sa rehiyon na laging nanganganib sa kakulangan sa tubig at pagkain tuwing may kalamidad.
Kaisa ang DSWD Bicol sa hangarin ng Pangulo na masuportahan ang bawat pamilyang Bikolano laban sa anumang sakuna, sa pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio.
Source: DSWD Field Office V