Pinangunahan ng Department of Tourism Regional Office V ang isinagawang Eco Tour Guide Training for River Tourism na ginanap sa Prime Suite Hotel, Daet, Camarines Norte nitong Hunyo 28, 2025.

Ang nasabing seminar ay nakapokus sa mga mahahalagang tour-guiding skills lalong-lalo na sa Basic Life Support at First Aid sa panahon ng emergency.

Ito ay naglalayong mabigyan ng kaalaman at kasanayan sa mga CPR drills at mga aktuwal na sitwasyon ang mga tour guide sa Camarines Norte upang maprotektahan at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga turista, lokal man o internasyonal upang mas mapausbong at mapaganda ang turismo sa ating bansa.

Photo Credit/Source: https://www.facebook.com/share/p/1AvdZAaHkx/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *