Sa paggunita ng ika-338 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Rosario, buong sigla at pusong ipinagdiwang ng mga Rosarino ang taunang Sinukmani Festival 2025, isang okasyong nagbibigay-pugay sa mayamang kasaysayan, kultura, at sama-samang pag-unlad ng bayan.

Isa sa mga tampok na aktibidad ay ang Sinukmani Cook Fest at ang Pinakamalikhaing Sinukmani Display Contest. Layunin ng mga patimpalak na ito na itampok ang Sinukmani, isang katutubong kakanin na sagisag ng kasaganaan ng bigas sa bayan, bilang kinikilalang Rice Granary of Batangas.

Lumahok sa mga patimpalak ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay, paaralan, at mga lokal na establisyemento.

Isa sa mga tampok ng festival, ang Court and Street Dance Competition, na inaasahang magpapasiklab sa mga lansangan ng Rosario sa pamamagitan ng makukulay na kasuotan, masisiglang sayaw, at makapangyarihang pagtatanghal ng mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor.

Ang matagumpay na selebrasyon ng Sinukmani Festival 2025 ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa pagtutulungan at suporta ng mga lider ng bayan, sa pangunguna ni Mayor Leovigildo K. Morpe, Vice Mayor Tany Zara, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Patunay ito ng kanilang malasakit at tapat na serbisyo tungo sa isang Mas Maigeng Bayan ng Rosario.

Muli, isang makulay at matagumpay na selebrasyon ng kultura, kasaysayan, at pagkakaisa ang ating nasaksihan sa Bayan ng Rosario Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *