Pormal na ipinagkaloob ng Ipilan Nickel Corporation (INC) ang mga kagamitang pangsasaka bilang bahagi ng mga proyektong pang-komunidad sa Barangay Mambalot, Bayan ng Brooke’s Point, Palawan nito lamang ika-17 ng Mayo 2025.
Ilan sa mga kagamitang ipinagkaloob ay isang (1) yunit ng mini dump truck na magagamit sa iba’t ibang proyekto, lalo na sa pagpapanatili at pagsasaayos ng kanilang farm-to-market roads, isang (1) yunit ng hand tractor na may kasamang 2 trailers para mapakinabangan ng Mambalot Center Grower Farmers Association (MCGFA) at ibang mga magsasakang nangangailangan ng makinarya.
Ang mga kagamitang ito ay daan upang makapagbigay ng sama-sama at tulong-tulong sa pagpapalakas ng kabuhayan sa Bayan ng Brooke’s Point.
Source: The Palawan Times