Kinagigiliwan ngayon at usap-usapan sa social media ang mga miniature tricycle na gawa ng 18 anyos na estudyante ng Aborlan National High School na si Stevie Jhon Amarado.

Isa kasi sa mga Facebook Reel post ni Amarado ng kanyang miniature tricycle ay umabot na sa mahigit 426,000 views, 8,700 likes at mahigit sa 568 shares. Pero may mga nauna na itong post ng kanyang obra na umabot sa mahigit 1 million views.

Inspirasyon n’ya dito ang sarili nilang tricycle na gamit ng kanyang ama sa pamamasada na siyang pinagkukunan naman ng ibinubuhay sa kanilang pamilya.

Kumikita na rin siya mula sa kanyang mga likha na naibebenta nito ng isang libong piso bawat isa ang pinakamura o ang pinaka simple nitong disenyo, pero may mga nagpapagawa sa kanya ng customized na mga miniature tricycle na umaabot sa tatlong libong piso ang kanyang sinisingil at inaabot ng taon bago matapos.

Salamin lamang ito na ang bawat batang Palaweño ay namumukod-tangi ang angking talento na maipagmamalaki sa ibang tao.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *