Patuloy ang pamamahagi ng City Government of Calapan ng cash incentive para sa mga PWDs sa Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-19 ng Pebrero 2025.

Sa pamamagitan ng PDAO sa ilalim ng pamamahala ni Mr. Benjie Agua Jr. (PDAO Head), matagumpay na naipagpatuloy ang pamamahagi ng nabanggit na cash incentive.

Nasa halos 200 PWDs ang nabigyan ng incentive. Ang nasabing Cash Incentive for PWDs ay nakapaloob sa City Ordinance No. 94.

Layunin nitong matulungan ang mga PWDs na matugunan ang kanilang pangangailangan, mapabuti ang kalidad ng buhay, at suportahan ang kanilang kabuhayan o gastusin sa medikal at rehabilitasyon.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *