Inilapit na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang mga pangunahing serbisyo sa mga Mindoreño sa pamamagitan ng pormal na pagbubukas ng kanilang service center sa MINSU Calapan City Campus, Oriental Mindoro nito lamang ika-18 ng Pebrero 2025.

Nakiisa sa nabanggit na inagurasyon sina Dr. Reynaldo D. Agcaoili – PRC 4B Regional Director, Hon. Erwin M. Enad – Commissioner, PRC, Dr. Ronilo Dela Cerna – Supervising PRO, Application Section, Dr. Enya Marie D. Apostol – MINSU President at Calapan City Mayor Malou Flores Morillo.

Sa pakikipagtulungan ng MINSU, at ilan pang opisina at ahensya, naging posible ang pagbubukas ng PRC Service Center MIMAROPA bilang sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Layunin nitong mas makapagbigay ng magandang serbisyo para sa bawat Mindoreño.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *