Matagumpay na isinagawa ang taunang Love Affair with Nature tree Planting Activity sa Sitio Bucana ng Barangay Iwahig, Palawan nito lamang ika-14 ng Pebrero 2025.

Ang aktibidad ay nilahukan ng halos 81 na pares na ikakasal. Halos umabot sa walong libong bakawan ang naitanim ng mga dumalo sa naturang programa kabilang ang mga residente ng barangay.

Ninanais ng inisyatibang ito na suportahan ang mga pagsisikap sa reforestation ng National Government at ng Department of Environment and Natural Resources sa probinsya.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *