Matagumpay ang isinagawang Alay Lakad 2024 na may temang “Lakad San Jose, para sa Edukasyon ng Kabataan” na ginanap sa San Jose, Occidental Mindoro nito lamang ika-13 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Rey C. Ladaga, kasama ang mga Committee Chairpersons at naging panauhing pandangal naman si Congressman Odie F. Tarriela. Kasama sa nakiisa ang mga Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan Members.

Umabot sa mahigit Php2.1 milyong ang nakalap na pondo mula sa donasyon ng iba’t ibang sektor sa isinagawang aktibidad. Naging makabuluhan ang programa na may layunin na madagdagan ang bilang ng Alay Lakad Scholars na sa kasulukuyan ay may bilang na 118.

Layunin nito na makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng tulong sa mga nangangailangan, itaas ang kamalayan sa mga isyu sa lipunan, at palakasin ang pagkakaisa at partisipasyon ng komunidad.

Source: Mayor Rey C. Ladaga – San Jose, Occ. Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *