Dinaluhan ng 6,135 na mga guro ang pagsisimula ng Quezon Educator’s Research Convention mula sa bayan ng Candelaria, Pitogo, Dolores, General Nakar, Sariaya, Macalelon, San Antonio, Padre Burgos, Tiaong at Unisan na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City nito lamang ika-7 ng Setyembre 2024.
Personal itong dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan at ni DepED Region IV-A Asst. Regional Director Loida N. Nieda, kung saan nagpaabot sila ng kanilang pasasalamat sa dedikasyon ng mga guro lalo na ngayong Buwan ng mga Guro na nagsimula nitong Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.
Layunin ng programa na isulong ang pananaliksik sa mga guro upang matuklasan ang kakayahan na mapausbong ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Source : Provincial Government of Quezon