Matagumpay na naisagawa ang Groundbreaking Ceremony ng TESDA Regional Training Center (RTC) CALABARZON kaugnay sa itatayong Regional Technical and Vocational Education and Training (TVET) Innovation Center (RTIC), nito lamang ika-26 ng Agosto 2024.
Dinaluhan ni Governor Hermilando Mandanas ang naturang aktibidad kasama sina TESDA Deputy Director General for Operations Vidal D. Villanueva III, TESDA Deputy Director General for Special Concerns Felizardo R. Colambo, TESDA IV-A Regional Director Archie A. Grande, TESDA Batangas Provincial Director Dorie U. Gutierrez, at RTC CALABARZON Administrator Domingo I. Librea.
Ang bagong RTIC, na matatagpuan sa Lungsod ng Batangas, ay magbibigay-daan upang maitaas pa ang antas ng inobasyon sa pagtuturo o pagsasanay at paggamit ng modernong teknolohiya sa pananaliksik, na sesentro sa larangan ng Industrial Automation at Mechatronics, layunin din ng inisyatibong ito na magkaroon ang bansa ng isang highly competitive at skilled workforce, na tutugon sa pagsusulong ng kaunlaran.
Source: Batangas Capitol PIO