Sa hamon ng panahon ngayon, ang Provincial Government ng Cavite (PGC) ay naghatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Barangay Julugan, Tanza, Cavite.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Provincial Government ng Cavite katuwang ang Local Government Unit ng Tanza.

Kabuuang 439 mga pasyente ang nahandugan ng libreng gamot, bitamina at mga insect repellent, 380 sa kanila ay sa medikal at 59 mga pasyente naman ang sa dental.
Bukod pa riyan, naghandog din ng libreng HIV testing sa mga mamamayan ng nasabing bayan.

Ang mga serbisyong naibahagi ay isinagawa ng mga volunteer medical practitioner mula sa Office of the Provincial Health Officer (OPHO) at Tanza Municipal Health Office na naglalayong matiyak at mapagtuunang pansin ang kalusugan ng bawat mamamayan lalo na ang mga lugar na malalayo sa kabihasnan.
Source: Cavite PIO