Probinsya ng Palawan – Hinirang na pang-apat sa pwesto mula sa 25 napiling kandidato sa isinagawang Traveler’s Choice Awards ng TripAdvisor 2024, ang tinaguriang pinakamalaking Travel Guide Platform sa buong mundo.

Nauna sa listahan ang Puerto Princesa Underground River na kinikilalang pinaka pinupuntahang destinasyon ng mga turista, sinundan ito ng Nacpan Beach sa bayan ng El Nido, Big Lagoon sa bayan muli ng El Nido at ang Tubbataha Reef sa timog-silangan naman ng lalawigan.

Kasama sa mga destinasyon na napili ay ang Tokyo, Japan na kapareho ng lalawigan sa unang pwesto, pangalawa ang Seoul Korea, pangatlo naman ang Halong Bay sa Vietnam.

Naging basehan ang mga reviews at rating ng libo-libong turista sa buong taon ng 2023. Nang dahil sa parangal ay naging daan ito ng Provincial Tourism Office sa patuloy na pag-unlad ng turismo ng ating bansa sa pagsisimula ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *