Tampok ang mga obra ng mga lokal na alagad ng sining at artisan group sa muling pagbubukas ng Cavite Art Fair 2026 sa New Cavite Provincial Government Center noong Oktubre 20.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Tourism Officer, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Alitaptap Artist Community ang aktibidad na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga artistang Kabitenyo na maipakita at maipagbili ang kanilang mga likha.

Ayon sa Office of the Provincial Tourism Officer, layunin ng Cavite Art Fair na itampok ang sining at kultura ng lalawigan bilang mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya. Bahagi rin ng programa ang mga produktong pangkabuhayan na likha ng mga person deprived of liberty (PDL) na nasa pangangalaga ng Cavite Provincial Jail, bilang pagpapakita ng inklusibong suporta sa talento at kabuhayan.

Kabilang sa mga tampok na kalahok ang Alitaptap Artist Community, Linangan Art Residency, Kalyehon Art Gallery, Lebajo Art Gallery, at mga independent artist mula sa iba’t ibang bahagi ng Cavite.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *