Kinilala ni PBGen Dominic L. Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang dedikasyon ng 49 na tauhan mula sa Regional Headquarters (RHQ) na naitalaga bilang Administrative Support sa panahon ng paggunita sa ika-53 Anibersaryo ng Martial Law nito lamang Setyembre 22, 2026 sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City, Laguna.
Dinaluhan ito ng Command Group at Regional Staff at naging pagkakataon ang aktibidad upang kilalanin ang dedikasyon, kahandaan, at agarang pagtugon ng mga tauhan ng RHQ, gayundin upang higit na mapalakas ang samahan, pagkakaisa, at pagtutulungan sa loob ng organisasyon.
Matapos ang seremonya ng pagkilala, nagsagawa rin ng isang simpleng boodle fight, kung saan nagsama-sama ang mga tauhan upang pagsaluhan ang pagkain at higit pang mapatatag ang diwa ng pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at camaraderie.


Binigyang-diin ng pagtitipon ang kahalagahan ng pagtutulungan bilang isang nagkakaisang koponan sa pagtupad sa mandato ng Philippine National Police (PNP) at sa paghahatid ng maagap, tapat, at makataong serbisyo-pulisya sa mga komunidad ng CALABARZON.