Mahigit 1,000 pamilya sa bayan ng Bulalacao ang tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) ng pambansang pamahalaan noong Huwebes, Agosto 27.
Malaking tulong umano sa mga benepisyaryo ang natanggap na bigas para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa pagkain. Ayon sa ilang pamilya, makatutulong ang karagdagang suplay ng bigas upang mabawasan ang kanilang gastusin at mapunan ang pangangailangan ng kanilang mga tahanan.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap, na bahagi ng mga programa ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.
Patuloy na isinusulong ng pambansang pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan at mamamayan, partikular sa pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan at pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilya.
Source: PIA MIMAROPA