Inihahanda ng Department of Agriculture (DA) ang ikalawang batch ng pinansyal na ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda sa Palawan sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) ngayong Setyembre.

Ayon kay Eleanor Lotivo, Officer-in-Charge (OIC) ng Agriculture Program Coordinating Office, kabilang sa mga susunod na benepisyaryo ang mga magsasakang nagtatanim ng high-value crops tulad ng mga gulay, kasoy at niyog, gayundin ang mga nag-aalaga ng livestock.

Layunin ng programa na makapagbigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisdang nangangailangan upang masuportahan ang kanilang kabuhayan at produksyon.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *