Para masiguro na malinis at maayos ang hanay ng kapulisan, pinangunahan ni PBGen Christopher R. Dela Cruz, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA, ang mandatory drug testing para sa mga PNP personnel sa buong rehiyon noong Agosto 24, 2026.
Unang isinailalim sa drug test ang mga pulis na nakatalaga sa mga kampo, sa pangunguna ng Regional Forensic Unit MIMAROPA.
Ayon kay PBGen Dela Cruz, bahagi ito ng patuloy na internal cleansing program ng PNP na layong matiyak na ang mga pulis ay nananatiling malinis, disiplinado, responsable at karapat-dapat sa tiwala ng publiko.
Sinabi rin niya na ang programa ay ipinatutupad hindi lamang sa MIMAROPA kundi sa iba’t ibang police units sa buong bansa, sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP.
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, nais ng PNP na ipakita sa publiko na ang mga nagpapatupad ng batas ay dapat unang sumusunod sa batas at nagpapanatili ng mataas na pamantayan ng serbisyo.