Pinalalakas ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Calabarzon ang pagtulong nito sa mga local government unit (LGU) sa rehiyon upang ma-update ang kanilang Comprehensive Land Use Plans (CLUPs) at zoning ordinances para sa mas ligtas at napapanatiling pag-unlad.

Ayon kay Assistant Regional Director Atty. Naiza Mae Delos Santos, mahalaga ang CLUP sa pagtukoy ng mga lugar na hindi angkop para sa pabahay at sa maayos na paggamit ng lupa para sa residential, commercial, industrial, at iba pang development.

Batay sa datos ng DHSUD, may 70 LGU sa rehiyon ang kailangan pang mag-update ng kanilang CLUP habang 56 naman ang kasalukuyang nagsasagawa ng pag-upgrade ng kanilang mga plano.

Upang suportahan ang mga LGU, nagbibigay ang ahensya ng teknikal na gabay at ipinatutupad ang Planado Program na layong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpaplano at mapabilis ang pag-update ng kanilang mga land use plans. Target ng DHSUD na makumpleto ang pag-update ng CLUP ng lahat ng LGU sa Calabarzon pagsapit ng 2028.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *