Nagsimula ang Palarong Bicol 2026 sa isang makabuluhang tree-planting activity nitong Sabado, Pebrero 28, sa pangunguna ng mga opisyal at kawani ng DepEd Region V β Bicol at iba pang mga stakeholders.

Ayon kay Regional Director Gilbert T. Sadsad, layunin ng aktibidad na ito na mag-iwan ng pangmatagalang pamana para sa komunidad at kalikasan, na magsisilbing inspirasyon para sa susunod na henerasyon. βAng Palaro ngayong taon ay hindi lamang tungkol sa sports, kundi pati sa pagpapahalaga sa ating kapaligiran at sa kinabukasan ng kabataan,β ani Sadsad.

Inaasahan na sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, hindi lamang ang talento at sportsmanship ang maiuuwi ng mga kalahok, kundi pati na rin ang malasakit at pagmamahal sa kalikasan, bilang bahagi ng holistic na pag-unlad ng komunidad.
Source: PIA Bicol