Iniuutos ng Sandiganbayan Fourth Division ang pag-aresto kina Pagsanjan Mayor Jeorge “ER” Ejercito Estregan at Marilyn M. Bruel upang isilbi ang kanilang hatol matapos maging pinal ang desisyon ng korte sa kasong graft laban sa kanila.
Sa isang press conference na ginanap sa David’s Tea House sa Calamba City, ipinresenta ng mga opisyal ng United Boatmen Association of Pagsanjan (UBAP) nitong Martes, Oktubre 28, 2025, ang opisyal na tala (minutes) ng pagdinig ng Sandiganbayan na may petsang Oktubre 20, 2025.
Ayon sa desisyon ng Sandiganbayan,
“The judgment of conviction rendered in the case against accused Jeorge Ejercito Estregan and Marilyn M. Bruel having already become final and executory, let the corresponding Warrant of Arrest be issued against them for service of their sentence.”
Ipinahayag ni UBAP Chairperson Jose Rivera ang kanilang labis na kagalakan sa aniya’y matagal nang hinihintay na tagumpay ng hustisya, na nagsimula pa umano noong Oktubre 2008.
“This ruling marks a historic victory not only for our group but for the people of Pagsanjan who have long sought accountability, honesty, and integrity in public service. This proves that justice continues to prevail in our country and that no one is above the law,” ayon kay Rivera.
Matatandaang sina Estregan at Bruel, na siyang may-ari ng First Rapids Care Ventures (FRCV), ay nahatulang guilty beyond reasonable doubt sa paglabag sa Seksyon 3(e) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sila ay hinatulan ng anim (6) taon at isang (1) buwang pagkakakulong hanggang sa walong (8) taon, at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1262017
