Matagumpay na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Romblon, sa pangunguna ng Negosyo Center Calatrava at katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang isang Bayong Innovation Training gamit ang polypropylene strap sa Calatrava Municipal Hall noong Setyembre 8, 2025.
Dumalo sa pagsasanay ang 15 na kasalukuyang MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises) at 35 potensyal na MSMEs, kabilang ang mga buri weavers at solo parents, na masigasig na natutong gumawa ng bayong gamit ang bagong teknik at materyales. Sa pagtatapos ng aktibidad, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga natapos na bayong na may kakaibang disenyo at malikhaing pagkakagawa.

Lubos na pinasalamatan at sinuportahan ng Punong Bayan ng Calatrava na si Mayor Bong F. Fabella ang inisyatibong ito dahil nakatutulong ito sa kanyang adbokasiya na paunlarin ang turismo sa bayan sa pamamagitan ng mga lokal na produkto at bagong oportunidad sa kabuhayan.
Ang Bayong Innovation Training ay patunay ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang paunlarin ang kakayahan ng mga mamamayan, palakasin ang negosyo, at pangalagaan ang ating kultura sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.
Source: Calatrava Romblon