Pangunahing tagapagsalita sa pagsasanay si Dr. Lemuel Aragones mula sa UP Institute of Environmental Science and Meteorology, na siya ring Presidente ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN).

Kasama rin niya bilang tagapagsalita si Dr. John Adrian J. de Ramos, Assistant Professor mula sa College of Veterinary Medicine ng University of the Philippines Los Baños.

Bunsod ng mga naiulat na insidente ng pagkakastranded ng mga marine mammals sa rehiyon, layunin ng pagsasanay na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan ang mga stakeholder sa Bicol upang maging mas handa, mabilis, at epektibo sa pagtugon sa ganitong mga sitwasyon.

Inaasahang higit pang mapapalakas ang koordinasyon at kapasidad ng mga lokal na tagapagpatupad at tagapaglingkod sa larangan ng konserbasyon at pangangalaga ng mga marine mammals.

Kabilang sa mga kalahok sa pagsasanay ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaang itinuturing na “hotspot” ng stranding incidents, gaya ng Sorsogon City, Gubat, Magallanes, Manito, Sagñay, Libmanan, Dimasalang, Legazpi, at Del Gallego.

Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ng Tabaco at Masbate, gayundin ang mga staff mula sa National Stock Assessment Program (NSAP), Provincial Fisheries Office (PFO) ng Albay, at BFAR Region 5.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *