Matagumpay na naipamahagi ang “Cash for Work” sa ilalim ng programang KALAHI-CIDSS Cash for Work (CFW) sa mga mag-aaral ng Tanauan City College noong ika-8 ng Agosto, 2025.
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Collantes, Vice Mayor Dodong Ablao, at pamumuno ni Mr. Jun Goguanco, katuwang ang DSWD, matagumpay na naipatupad ang programang nagbibigay karagdagang kaalaman, kasanayan, at kita sa mga kabataang Tanaueño.
Sa loob ng 25 hanggang 50 araw, ang mga estudyante ay pansamantalang nagtrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at aktibong naging bahagi ng paghahatid ng serbisyo sa kanilang komunidad.
Ang programang ito ay patunay na kapag nagtutulungan ang pamahalaan at edukasyon, nabibigyan ng pag-asa at oportunidad ang mga kabataan para sa mas magandang kinabukasan.
Source: Tanauan CGTV