Nagsagawa ang LTO Regional Office V ng libreng Theoretical Driving Course Seminars sa iba’t ibang probinsya sa Kabikolan upang masigurado ang kaligtasan at pagiging responsable ng mga drayber sa buong rehiyon.

Pinangunahan ng LTO Pamplona District Office ang nasabing aktibidad nito lamang Hulyo 12-13, 2025.

Bukod sa nabanggit na lugar, ang nasabing seminar ay isinagawa rin sa LTO Cataingan, Masbate, LTO Irosin, Sorsogon at LTO Iriga, Camarines Sur.

Ang nasabing inisyatibo ay inorganisa sa ilalim ng pamumuno ni LTO Bicol Regional Director Allan Castillejos at Assistant Regional Director Vincent Nato na inaayon sa direktiba ni DOTr Secretary Vince Dizon at LTO Chief Atty. Greg G. Pua Jr. na naglalayong maiparating ang mga serbisyo ng pamahalaan sa komunidad.

Source: Land Transportation Office Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *