Matagumpay na nagtapos ang tatlong araw na seminar tungkol sa isinusulong na Nuclear energy program ng Pamahalaang Nasyunal para sa mga mamamahayag ng Palawan at Masbate, na ginanap sa Sommerset Millineum Makati, nitong ika-23-25 ng Hunyo 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Department of Energy na dinaluhan ng iba’t ibang representante mula sa mga media sa lalawigan.
Nagsagawa ito ng talks at discussion ukol sa negatibong impression sa pagpapatakbo ng nuclear power plant, mga benipisyo na pwedeng mapakinabangan dito, at ang plano sa pagpapatupad nito sa boung bansa.
Kasama din sa seminar ang pagbisita sa Bataan Nuclear Power Plant, para makita ang pagiging ligtas nito sakaling i-operate ito, taong 1973 pa ito nagawa at mula nun ay inilagay ito sa mothball status dahil sa maraming pangyayari at kadahilanan. Dito rin inihayag na kasama ang Palawan sa posibleng pagtayuan ng nuclear power plant sa hinaharap.
Ilan sa nagbigay ng lecture sa seminar ang mga kinatawan mula PHILVOCS, NAPOCOR, Philippine Nuclear Research Institute, at Nuclear Energy Program Division ng DOE.
Layunin nitong magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa nuclear energy, ipaliwanag ang mga benepisyo at kaligtasang hakbang, at kunin ang opinyon ng publiko bilang bahagi ng konsultasyon sa posibleng paggamit ng nuclear power sa bansa.
Source: The Palawan Times