Nagsama-sama ang apat (4) na magkakaalyadong bansa sa ginanap na Amphibious Landing and Humanitarian Assistance and Disaster Response sa Barangay Berong, Quezon, Palawan nito lamang ika-4 ng Hunyo 2025.
Isa sa mga scenarios na itinampok sa pagsasanay ay ang pagtugon ng mga military sa United State (US), Pilipinas, Japan, at South Korea sa pagsalanta ng malakas na bagyo. Pagdaong ng mga sasakyan, agad na kinuha ng mga sundalo ng apat na bansa ang kunwari’y mga sugatan at biktima ng kalamidad na tumagal ng dalawang oras.
Ayon kay 3rd Marine Brigade Commander General Antonio Mangoroban Jr., hindi lang sa paghawak ng armas sa makipaglaban ang pinagtutulungan ng mga magkaalyadong bansa, kundi maging sa pagresponde sa mga natural calamities.
Layunin ng aktibidad na ito na mapabilis ang paghatid ng tulong at suporta sa mga apektadong lugar, lalo na sa panahon ng sakuna o krisis, gamit ang lakas ng militar sa lupa at dagat.
Source: The Palawan Times