Namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Angono ng libreng school supplies para sa mga anak ng rehistradong solo parents sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong ika-30 ng Mayo taong kasalukuyan.

Pinangunahan ito ni Mayor Jeri Mae Calderon sa pamamagitan ni Konsehal Ma. Elena Ibanez, tagapagtaguyod ng mga karapatan ng solo parents sa Sangguniang Bayan.

Layon ng programa na matulungan ang mga magulang sa paghahanda ng kanilang mga anak sa pasukan at maibsan ang gastusin, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilihin.

Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa edukasyon ng kabataan.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *