Pasok ang apat na batang Palaweño sa mga international Math Contest ngayong taon bilang kinatawan ng Pilipinas, ito ay matapos sila mapabilang sa Top Performers sa isinagawang Mathematical Oympiad Training Program ng Mathematics Trainers Guild Philippines na ginanap sa Hope Christian High School sa Tondo, Manila nitong April 28 at natapos nitong May 25, 2025.

Ito ay sina Samuel Alarcon, Grade 6 student ng Puerto Princesa Pilot Elementary School, Michael Eli G Socrates at Nathaniel M Natividad, kapwa Grade 6 students sa Palawan State University Laboratory Elementary School, at Maree Giulia Ysabelle G. Somera, Grade 7 mula sa Holy Trinity University.

Ang resulta ng kanilang score ay pinagsama mula sa mahigit 600 students na sumali sa programa buhat sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang apat base sa inisyal na schedule ay lalahok ng magkakahiwalay sa mga sumusunod na kompetisyon sa Po Leung Kok Primary Mathematics World Contest sa Hongkong, Vietnam International Mathematics Contest at 21st International Mathematics Contest sa Singapore.

Layunin ng programang ito na ihanda at sanayin ang mga estudyante sa advanced na matematika upang maging handa sa pagsali at magtagumpay sa mga paligsahan tulad ng Mathematical Olympiad.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *