Handang-handa na ang Bayan ng El Nido sa gaganaping Red Bull Cliff Diving World Series sa darating na April 11-13, 2025.

Masasaksihan sa nasabing serye ang nakakabuntong hiningang aksyon-talon performances ng mga top global athletes mula sa iba’t ibang bansa ng mundo kung saan magiging tanawin ang nakakabighaning natural na ganda ng El Nido, Palawan.

Ang tatlong (3) araw na aktibidad ay gaganapin sa piling isla ng El Nido kung saan ang serye nito ay makikita sa Red Bull TV, Red Bull cliff diving’s youtube page ng Smart at Cignal TV.

Pansamantalang isasara sa mga regular island-hopping tours ang piling isla upang bigyang daan ang nabanggit na aktibidad.

Ang nasabing aktibidad ay nagbigay daan upang mas lalong makilala at maitaguyod ang turismo ng lugar habang ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ang pagpili muli ng Red Bull PH na maging isa sa mga pagdausan ng nasabing palabas.

Source: XFM Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *