Matagumpay na idinaos ang “Dangal at Yaman ng Calapan Awards 2025: Recognition of International and National Awardees for Academic Competitions”, bilang bahagi ng KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan na ginanap sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS), nitong ika-18 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Education Department. Dumalo at naging bahagi rin ng makabuluhang aktibidad na ito sina Schools Division Superintendent, Ms. Susana M. Bautista at CID Chief Dr. Joey B. Gutierrez, gayundin ang mga kasamahan ng Punong Lungsod, Malou Morillo sa Team TAMA at ang iba pang mga kinatawang panauhin.

Bilang pasasalamat at pagpapahalaga ng pamahalaang lungsod, nasa kabuoang 271 na international at national awardees na mga mag-aaral at guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Calapan ang pinarangalan at binigyang pagkilala, sapagkat sila ay nagwagi sa iba’t ibang mga on-site at online / virtual competition, dahilan para mabigyang karangalan nila ang lungsod, kung saan 40 na teacher-coach din ang ginawaran dito ng mga sertipiko.

Layunin nitong kilalanin ang mga indibidwal na nagpakita ng pambihirang dedikasyon at kahusayan sa kani- kanilang larangan, kung saan hindi lamang ito pagkilala sa kanilang propesyonalismo, kundi patunay sa kanilang silakbo ng damdamin, pagtitiyaga at katapatan sa paghubog ng kinabukasan ng ating komunidad sa ating pinakamamahal na Calapan.

Source: Tatak Calapeno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *