Tungo sa walang hanggang pag-iibigan, matagumpay na naidaos ang “Kasalang Bayan 2025” na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Civil Registry Department at City Tourism, Culture and Arts Department, bilang bahagi ng pagdiriwang para sa KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan, ginanap sa Calapan Recreational and Zoological Park Pavilion, Barangay Bulusan, Calapan City, nitong ika-16 ng Marso 2025.
Sa seremonya ng pag-iisang dibdib, 17 couples ang nagpalitan ng kanilang matamis na “I do”, para sa isa’t isa na wagas at buong tapat na nangakong magmamahalan habambuhay at bubuo ng isang masayang pamilya na naaayon sa kalooban ng ating Panginoong Diyos na magsisilbing gabay sa panibagong yugto ng kanilang buhay.
Sa tulong ng aktibidad na ito hangad ng pamahalaan ng Calapan ang pagkakaroon nila ng magandang buhay at matatag na pamilya kung saan mayroong pagmamahalan sa isa’t isa.
Source: Tatak CalapeƱo